Pasalitang bersiyon ng Banal na Bibliya sa wikang Filipino na mada-download nang libre
– I-enjoy ang bagong app na ito na nagtatampok ng pasalitang bersiyon ng Biblia sa wikang Tagalog/Filipino. Kung hindi mo mabasa ang Banal na Kasulatan, makatutulong sa iyo ang pasalitang bersiyon ng Biblia. Pakinggan ang Banal na Salita ng Diyos habang ikaw ay nagmamaneho, nagpapahinga, naglalakad, o nagluluto. I-tap ang audio icon upang piliin ang kabanata o bersong nais mong pakinggan. Isang bagong paraan sa pagdanas sa Salita!
– Tampok sa aming app ang kompletong Ang Dating Biblia (ADB) 1905 na naglalaman ng Luma at Bagong Tipan.
Ngayon, milyon-milyong debotong Kristiyano sa Pilipinas at sa buong mundo ang may akses na sa Banal na Biblia sa wikang Filipino o Tagalog. Ang Pilipinas ang isa sa mga nangungunang Kristiyanong bansa sa mundo, na may higit 86 milyong Filipino na tagasunod ng relihiyong Kristiyanismo. Sa mga Filipinong Kristiyano, 81 porsiyento ang Katoliko at 11 porsiyento ang Protestante.
– Libre ang akses sa Ang Dating Biblia. I-download mo ito, gamitin, basahin, at ibahagi nang walang anumang binabayaran.
Gumagana ang app na ito kahit offline kaya hindi problema ang koneksiyon. Kapag na-download na, maaari mong gamitin ang app kahit saan, kahit kailan.
– Sa aming app, maaari mong i-bookmark at i-highlight ang mga berso o sipi at idagdag ang mga ito sa iyong mga paborito. Mapepersonalisa mo rin ang iyong Biblia sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga tala.
– Maaari mong i-bookmark o ibahagi ang nilalaman ng app sa Internet sa pamamagitan ng email o mga social network tulad ng Facebook, Twitter, o Instagram.
Masaya sa pakiramdam ang pagbabahagi ng Banal na Salita!
– Sa app na ito, madali mong malalakihan o maliliitan ang sukat ng font. Piliin mo ang laki ng teksto ayon sa iyong kagustuhan.
– Sa tuwing bubuksan mo ang iyong app na Biblia, dadalhin ka nito sa huling binasang berso.
– Madali mong mahahanap ang mga susing salita.
– Mapapalitan mo ang liwanag ng screen gamit ang night/day mode. Sa Night Mode, didilim ang pahina at babagay ang teksto sa madilim na kulay.
Sa Day Mode, babalik sa normal ang pahina at teksto.
Magiging paborito mong app ang Dating Biblia! Ngayon, mas madali nang basahin at pag-aralan ang Bibliya.
Buksan mo na ngayon ang iyong Bibliya at basahin at i-enjoy mo ito!
Mamili ng aklat, kabanata, o berso at simulan nang magbasa:
Ang Lumang Tipan ay kalipunan ng 39 na aklat at nilalaman nito ang paglikha ng uniberso, ang kasaysayan ng mga patriyarka, ang eksodus mula sa Ehipto, ang pagkabuo ng Israel bilang nasyon, ang paghina at pagbagsak ng nasyon, ang mga Propeta (na nagpahayag para sa sa Diyos), at ang mga Aklat ng Karunungan.
Ang mga aklat ay:
Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio, Josue, Mga Hukom, Ruth, 1 Samuel, 2 Samuel, 1 Mga Hari, 2 Mga Hari, 1 Paralipomeno,2 Paralipomeno, Ezra, Nehemias, Ester, Job, Awit, Kawikaan, Mangangaral, Awit Ni Solomon, Isaias, Jeremias, Panaghoy, Ezekiel, Daniel, Hosea, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habacuc, Sofonias, Hagai, Zacarias, Malakias.
Ang Bagong Tipan ay kalipunan ng 27 aklat na nakasulat sa Griyego. Naglalaman ito ng mga naratibo ng buhay at ministro ni Hesus, ang mga akto ng mga Apostol, mga sulating tinatawag na epistles na isinulat ng iba’t ibang awtor, at ang aklat ng Rebelasyon na isang aklat ng propesiya.
Ang mga aklat ay:
Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Mga Gawa , Roma, 1 Corinto, 2 Corinto, Galacia, Efeso, Mga Taga-Filipos, Mga Taga-Colosas, 1 Mga Taga-Tesalonica, 2 Mga Taga-Tesalonica, 1 Timoteo, 2 Timoteo, Tito, Filemon, Mga Hebreo, Santiago, 1 Pedro, 2 Pedro, 1 Juan, 2 Juan, 3 Juan, Judas, Pahayag
https://play.google.com/store/apps/details?id=ang.dating.biblia1905Bible in Tagalog – Apps on Google Play
Comments are closed